Monday, May 21, 2007
Di ko na kaya..

Di ko kaya kasi tao lang ako.
Di ko kaay kasi mahina ang loob ko.
Di ko kaya kasi sawang sawa na ko.
Di ko kaya kasi di ko alam kung anong gagawin.
Tila isang basa na sisiw sa gitna ng bagyong malakas.

ano bang pinagsasabi ko?

ganito, aking ikekwento sa inyo. Mga bata, makinig ng maigi sa aking kwento at pumulot ng aral na mahalaga at magagamit nyo sa buhay balang araw :]

Inaway ng nakababata kong kapatid na lalaki and nanay ko. Pinalayas ng kapatid ko ang nanay ko sa bahay. Tama ba yun? tsktsk, kabataan talaga ngayon. Mababaw magisip. Di ko na alam kanina kung ano pa ang gagawin ko.. parang wala na talagang pagasa.

Isa pa, nagaway ang mga magulang ko sa isang mababaw na bagay lamang. Sa mga di nakakaalam, ang tatay ko, kung magalit sy tila wala nang bukas kung magmura. lahat na ng masasakit na salita ay mararanasan mo. Di ko kinaya tala ga kanina nung bigla nalang tumulo ang luha ng nanay ko sa mukha nya. Di ko alam kung anong gagawin, di ako makakilos dahil awang awa ako. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Alam ko kung pano masaktan ng lubusan. Masakit. Sobra. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha nya pero wala pa rin akong magawa. Nagsisisi talaga sya na bumalik sya dito sa Pilipinas. Ano bang dapat na sinabi ko?

Wala akong nagawa hanggang sa tuluyan nang pumunta ang nanay ko sa harap ng computer at nagsimulang maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Alam ko namang di kami gaanong magkalapit ng nanay ko at di ko na alam kung paano kasi parang nakakailang kung magiging malapit ako sa kanya. nasanay na kasi ako na di masyadong malapit sa nanay. Pero kanina talaga, parang tinutulak ako ilang beses na ako tinulak pero walang magawa ung katawan ko. Tuluyan na kong naging bato. Masakit para sa kin na nakikita ang nanay kong ganyan at wala akong magawa kundi tingnan sya, tumingin sa telebisyon at tumingin sa kanya ulit.

nagsisisi ako. pero tapos na.

heto pa ang isang problema. wala kaming tubig. naputulan kami. wala kaming natanggap na notice, bill o kahit ano mang pagpapramdam ng Manila Water sa amin. Bigla nalang pinutol ung tubig namin. Kadiri bang isispin?

Mahirap maging mahirap.

ayan, :)

23:48