|
|
||
|
Friday, May 11, 2007
random? ewan :)
May WW2 sa tyan ko ngayon. Pasensya na pero mali ang iniisip mo. Hindi ako natatae. Punong puno lang ng hangin ang tyan ko. Di ko alam kung bakit o_o Iniwan ako ng dalawang tao sa araw na ito. Silang dalawa'y pumunta muna sa ibang bansa para matanggala ng pagod at makalimutan ang problema at makita ang ganda ng Pilipinas sa ibang bansa malabo ba? :) Marami akong nakitang kakaiba ngayong araw na ito tulad nalang ng trak na punong puno ng mga taong natututlog sa likod. Parang ginawa silang mga babaoy na trinatransport papunta sa slaughter house at maya maya lang ay nasa Monterey na sila. Ganito na ba kahirap ang Pilipinas at ang mga tao'y sa truck natutulog? Tama ba gawin toh sa mga taong nagkakahahirap kumita ng dalawang daan sa loob ing labing dalawang oras? Nakakaawa tingnan. Wala akong magawa. Nakakainis na wala akong magawa. Di ko alam kung anong gagawin ko pero naiinis ako na wala akong magawa. Ang tanging kaya kong gawin ay magbigay ng AWA na di naman nila kailangan. Hanggan ngayo'y may rebulusyon pa rin sa tyan ko. Bakit ko ba pinapatuloy ang pagsulat dito eh konti lang naman nagbabasa? Dahil siguro kailangan kong iligay sa kung saan man ang mga naiisip ko para kung sakasakaling kailanganin ko, mahahanap ko. Bakit dito napunta ng usapan? Sino bang kausap ko? ito'y isang malinaw na sigaw ng tulong sa isang babaeng binabaliw ng sarili nyang isipan.
23:13
|
||