|
|
||
|
Wednesday, May 9, 2007
umaaraw, umuulan :)
pumapatak nanaman ang ulan sa bubong ng bahay. malalaki ang bawat patak. lahat sila'y naguunahan bumagsak sa bubong, sa lupa, sa tao. patak. patak. patak. patak. patak. mga patak na di mabilang sa dami. halos mabutas na ang bubong namin sa lakas ng ulan. rinig ang alingawngaw ng bawat patak sa loob ng banyo. malakas ang sigw ng kulog sa bawat kidlat na dadaan. [sa mga hindi nakakaalam, kidlat=lightning kulog=thunder] nakakabingi. nakakatakot. malamig. sa pagitan ng bawat kulog at kidlat ay ulan. maraming ulan. marmaing, maraming ulan. masmalakas pa ang pagbagsak ng ulan kesa sa volume ng t.v sa kwarto. lakasan man ang volme ay ganun pa rin. tila ayaw magpatalo ng ulan. ayaw. isang ulan na di matalotalo. hihina, lalakas, babagsak, titigil. babalik, lalakas, hihina, walang katapusan. masarap matulog kasama ang kumot mong makapal, unan na malambot at kamang masarap higaan. Pano kung maging isa ka sa kanila? Walang kama, wlaang unan, walang kumot, walang bubong sa ibabaw ng kanilang ulo. lahat sila'y basang basa sa ulan. lahat ng laman nila'y nangangatog sa lamig. walang makakapgsindi ng yosi. ano? anong gagawin mo kung malakas ang buhos ng ulan sa labas ng bahay mo, kumakanta ng Sunburn ang kuya mo at nakaupo ka lang sa harap ng computer mong nakaw? ako? maghahanap ako ng comportableng posisyon at sisimulan ang pagsulat ng walang katapusan at kamatayang laman ng isisp ko. humihina na ang ula't lumalakas ng pagtugtog nya ng bass. ito na ba ang hudyat para tapusin ko ito?
16:59
|
||