|
|
||
|
Saturday, August 30, 2008
ang araw na ito...
Ngayong araw na ito, pumunta ako ng UST. Magsusubmit sana ako ng form para sa USTET ng kaso nung nalaman kong pangOctober 26 lang yung binibigay nilang testing date kanina, nagtanong ako kung pwede magpareschedule. Sabi nung dude dun sa reg, balik ka nalang after October 26 wow, di naman masyadong matagal yung hihintayin ko :)) Wala pang isang oras, umalis na ako ng UST. Masmahabng panahon pa ang inubos ko kakacommute papunta dun. Matapos ko sa UST, gusto ko sanang magsayang ng oras kasama ang mga kaibigan. Nagtext ako kung sinong game gumala ngayon pero walang nagreply. Ayos lang sana kung yung mga tinanungan ko'y di ko katext bago ako nagtanong kaso hindi eh, katext ko sila. Nalungkot tuloy ako. Napatanong ako sa sarili ko Ano ba yan, masyado na ba akong epal sa mga buhay nila't ayaw na nila akong makita? Siguro nga. Walang may alam kung gaano ako kaparaoid nitong mga nakaraang araw. Walang may alam. Walang may alam sa mga nararamdaman ko. Hindi naman sa ayaw nilang manhind ang mga tao. Ayaw lang siguro nila malaman. Nakakasawa din naman kasing makinig sa mga kwentong wala namang kinalaman sayo at wala ka ring mapupulot na aral. Nakakasawa ring maghana ng rason kung bakit ayaw mong makasama ang taong iyon sa partikular na araw na kinakailangan ka nya. Nakaririndi ring pakinggan ang mga pauli ulit na problemang ilang beses mo nang narinig. Nakakainis din ang mga panahong ibinibigay mo ang lahat sa kanya pero di nya makita kasi ayaw nya. Nakapagtataka diba? Hindi ba? Ewan ko ba kung bakit ganito ang mga nilalaman ng isipan ko ngayon. Wala akong binabalak na patamaan. Sinundan ko lang ang daloy ng akking mga darili sa key board. Mabilis na isinulat ng aking mga darili ang nilalaman ng aking isipan sa aking blog pero... parang ayaw o ngunit... di ko mapigilan.
18:45
|
||