Wednesday, August 13, 2008
-wala-

Lahat ng bagay na pinaghirapan ko ay nakita kong ibinasura sa aking harapan. :(
Sa klase, sa mga kaibigan, sa pagiging kapatid.
lahat ng iyon ay ibinasura sa harap ng aking mga mata. lahat.

Pero wala akong pake. Ayokong bigayang pansin ang mga malulungkot na pangyayari. Hindi pa ngayon ang taman panahon para malungkot dahil sa mga mumunting rason na iyan. :] Tama? May mga masasaya ding bagay na masdapat bigyang pansin dahil ito and naglalagay ng ngiting matagal na nawala sa aking mukha.

CUE. Ang saya. Sobra. Ako lang babae dun kanina. Masaya. Kaya nga masaya eh :)) charing ;) Masaya kasi sa sandaling umapak ka sa loob ng kwarto, nasa ibang mundo ka na. Isang mundo na punong puno ng mga tawanan, kaberdehan, kagaguhan, sigawan, kantahan, sayawan, kwentuhan at pagpaplano ng mga darating na inuman. Tama. Yan ang mundo ng Cue. Kahit na panget pa ang pagaawit namin, ayos lang kasi masaya. Masaya kunta kasama ang mga Lasalista. Berde nga talaga kulay nila. Pati utak nila berde. Bagay. Bagay :>:>

Mahabang kwentuhan ang mga pangyayari sa loob ng kwartong iyon pero sa loob ng dalawang oras, may mga bago na akong kaibigan at maami akong nalaman. :>:> Ang saya diba?:)) Sana ganito nalang ang mundo ko. Walang away, walang alaskahan. Mapayapang mundo na ngiti lamang ang nakikita ko sa aking mukha. Umiyak man ako, di ito dahil sa nasakatan ang aking mga emusyon, dahil ito sa kagaguhan nila at nasugatan ako. Yun ang gusto ko. :)

Kaya pala. Naramdaman ko kaso ayokong makigulo. Lagi nalang akong nakkiepal. Ngayon, di na ako eepal kasi yun ang kagustuhan nya. Napapansin mo ba? Lumingon ka naman. Maya maya, magisa ka na di mo pa napapansin dahil sa daloy ng iyong isipan. Ewan ko kung anong tornilyo ang nawawala sayo pero, tama na, anak. Ipahinga mo na ang iyong mga daliri. Isara mo na ang iyong isipan. Sumama ka nalang sa daloy ng mga pangyayari. Malay mo may mangyaring di inaasahan.


Minsan, kelangan ko lang talaga ilabas. Minsan hindi ko kaya. Minsan, walang paraan. Minsan. Minsan. Minsan.

Ang ngiting napawi sa aking mukha ay unti unti nang bumabalik. Ang sugat na dinulot ng mababaw na hidwaan ay matagal nang naghilom. Ang pagkakaibigang nasayang ay hanggang ngayon nasa basurahan pa rin.
Ito ang maling paraan ng pagkakaibigan pero wala tayong magagawa dahil sadyang mahirap intindihin ang mga tao ngayon.
AH. Si Batma ba ang hanap mo? Umalis sya sandali. Pinapasabi nya sayo 'ANO BA BULBULIN KA NA GANYAN KA PA UMASTA'


Minsan, sa bilis ng oras, di natin namamalayang matanda na tayo.



22:19